HUWAG KA SANANG MAGAGALIT
Huwag ka sanang magagalit
kung sasabihin ko
na hanap-hanap ka
ng aking mga tula.
Huwag ka sanang maiilang
kung tuwing umuulan
isip-isip ko ang init
ng ating katawan.
Ngayon, butas lamang
sa langit ang lahat ng bituin,
Ngayon, sukatan lamang ang buwan
ng layo mo sa akin.
Anumang kuwento
ang simulan ko’y
sa iyo rin nauuwi.
Sa bawat aklat
na aking buklatin
naroroon ang iyong tingin
Alam ko: may sarili kang tanong
na dapat sagutin; may sarili kang misteryo
na dapat harapin.Huwag magmadali: panahon ngayon
ng liwanag at sari-saring dilim;
Oras ng sugat at lamig at ng
paurong-sulong na pagpapaumanhin.
Ngunit Tess, mahal,
pinakamatalik kong kaibigan,
huwag ka sanang magagalit
huwag ka sanang maiilang
kung aking sasabihin
na tuwing humihinga ako
naaamoy kita,
na tuwing pumipikit ako,
ikaw ang nagiging umaga - Ramon Sunico
Monday, August 21, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
What is past is present is who the hell am i?
-
▼
2006
(160)
-
▼
August
(27)
- when you're bored and you know it
- Works on Paperby Alice FultonA thrilling wildernes...
- there are oracles and there are the indigo girls
- when new heroes look like old ones
- strangely flattered
- today, just because
- SOS
- it is still too early to dream of youthe herons wa...
- II. Jesus got through life by answering surveys.
- I. Jesus got through life by answering surveys.
- To a Lover
- This is a poem that was sent to me today. I’d like...
- Because I got tagged
- now, they are purely girls
- i'd like to tag you but i don't know how
- yowza!
- something borrowed by subs
- because i am in a cycle
- Deciphering fire
- Poem sharing!
- Spider webs
- Foreign Window & Irish Roverthank god for you tube.:D
- For you, on a rainy day
- Dreaming in the afternoons
- The real thing
- Growing Pains
- Turning Japanese: The New Prozac
-
▼
August
(27)
No comments:
Post a Comment